Ipinagkaloob ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group Coron sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) District Management Division (DMD)- Calamian ang apat (4) na uri ng pagong โ (1) Asian Leaf Turtle (๐๐บ๐ค๐ญ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ด ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ต๐ข), at tatlong (3) Southeast Asian Box Turtles (๐๐ถ๐ฐ๐ณ๐ข ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ฐ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด) โ matapos itong mailigtas sa isang rescue operation ng mga pulisya na isinagawa sa Bgy. Bintuan. Coron Palawan noong 17, ng Agosto.
Ayon sa PCSD Resolution 15-521, ang mga Southeast Asian Box turtles ay itinuturing na โEndangered Speciesโ (maaaring mawala sa kalikasan); samantalang, ang Asian Leaf Turtle ay tinukoy bilang โLower Riskโ species (pumapalagong nauubos) sa international Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List.
Inuudyukan ng PCSDS ang publiko na lumapit sa kanila ukol sa mga usapin na may kinalaman sa mga hayop sa Palawan. Maari silang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng kanilang Wildlife Enforcement Unit (WEU) sa 09319642128 (TNT), o 09656620248 (TM). Puwede rin silang makipag-ugnayan gamit ang PCSDS Front Desk hotline numbers 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT).