Awareness Seminar ukol sa WPS, isinagawa ng WESCOM

Sa gitna ng mainit pa ring isyu ng West Philippine Sea (WPS), nagsagawa ng virtual awareness seminar ukol dito ang Western Command (WESCOM) ngayong araw.

Tinalakay ni DOJ Senior State Counsel Fretti Ganchoon ang ukol sa “Philippine Entitlements under the Constitution and other Domestic Laws.”

Sa open forum, nagbigay ng WPS update si CDR. Antonio Bosch, acting ACUCS for Intelligence, U2 na siya ring chief ng Area Research Center ng WESCOM.

Tinalakay naman ni Col. Rommel Cordova, assistant chief of staff for plans and  programs ng G5 ng Philipine Army ang “China’s Gray Zone Strategy in South China Sea.”

Sa huli, magbibigay naman ng  pananalita si NAMRIA Deputy Administrator Efren Carandang ukol sa estado ng lahat ng features sa West Philippine Sea

Exit mobile version