Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

Ngayong Huwebes ng hapon, April 22, 2021 ay posible umanong ma-encash ang tseke at agad itong ibibigay sa mga residente ng Barangay Sta. Monica ayon sa pamunuan nito.

“Itong tseke mula sa Pamahalaang Panlungsod ay mayroon pang clearing mula sa bangko. At inaasahan po natin na ma-encash ito bukas ng umaga ay hindi na po natin patatagalin yung nasabing cash. Agad po tayo magsasagawa ng distribution bukas (April 22, 2021) din po ng ala 1:00 [tapos po] tuloy-tuloy na po yun (pamamahagi),” pahayag ni Kapitan Ronaldo Sayang, Barangay Sta. Monica.

Paliwanag pa ni Kap. Sayang, na ihahatid umano ito sa bawat bahay ng mga benepisyaryo upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa isang lugar.

“Nagbuo po tayo ng 8 team na binubuo ng mga Barangay Officials na siya po mag-area sa bawat purok natin, we have 19 purok, divided na po ito at ang gagawin po natin ay house to house bases para hindi na po lumabas yung ating mga kabarangay,”

Sinusuri pa rin umano ng Barangay kung sinu-sino ang kabilang sa mahigit 5 libong households na kabilang dito.

“Malinaw po ang instruction ng Pamahalang Panlungsod, ito po ay household basis at katunayan ay naglabas na po ng numbers yung ating City Planning na mayroong 5,867 household, sila po ang magiging beneficiaries ng ating barangay. Sa katunayan po pinapa-validate na po sa ating mga barangay officials kung sino po ang mga kwalipikado na maging beneficiaries po nito.”

Samantala base sa nilagdaan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron, ang bawat tahanan sa 5 Barangay na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ay tatanggap ng P2,200.00.

Exit mobile version