Babae, nanganak habang nagsasagawa ng aktibidad ang PAF

Photo from TOW-WEST

Sa isinagawang outreach program ng Tactical Operations Wing West at Tactical Operations Group 7 ng Philippine Air Force (PAF), kasama ang Go Share Foundation, matagumpay na natulungan ang isang 24-anyos na babaeng residente sa Rizal, Palawan, matapos manganak sa kasagsagan ng programang “All-in-One Bayanihan.”

Ang nasabing babae ay maayos na nanganak ng isang malusog na sanggol na pinangalanang “Jeffrey Noelle.” Nagbigay rin ng tulong pinansyal ang mga volunteer doctors mula sa Go Share para sa pangangailangan ng bagong silang na sanggol.

Ang nasabing outreach program ay naganap mula Oktubre 12 hanggang 15, 2023, sa Bayan ng Quezon at Rizal sa Palawan, kung saan libu-libong Palaweño, kabilang ang mga katutubong Palaw’an at Tau’t Bato, ang naging benepisyaryo.
Exit mobile version