Panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala na isang 43-year-old female Singaporean tourist ng Tubbataha Marine Park noong May 25-30.
Ang turista ay dumating sa lungsod noong May 25 at dumiretso sa port papunta sa marine park sakay ng isang pribadong yate kung saan siya ay nagtagal ng limang araw.
Pagdating ng May 30, nag-develop na ng COVID-19 symptom ang turista kung saan nakaramdam na siya ng sore throat kaya napagdisisyunan na ng diving vessel na bumalik na sa lungsod.
Pagdating sa lungsod, isinailalim agad ang turista sa antigen test at napag-alaman na positibo ito sa COVID-19, at sa mismong araw ay ipinagbigay-alam agad ito sa Incident Management Team (IMT) kaya ay dinala na rin siya sa isang quarantine facility.
Napag-alaman na ang nasabing turista ay fully-vaccinated na rin laban sa COVID-19.
Nagkaroon ng 27 katao na close contacts–16 crew members, 6 foreign tourists, at 8 local tourists–at lahat ay na/test at nagnegatibo sa virus.
Ang Singaporean tourist ay nakatakdang makalabas ng quarantine facility ngayong Lunes, June 6.