Bagong COVID-19 case sa PPC, close contact ng kaso sa Brgy. Mandaragat 

3 panibagong kaso ng local transmission ng COVID naitala sa lungsod
Isang panibagong confirmed case ng COVID-19 ang naitala sa Puerto Princesa na close contact ng taong kamakailan lamang nag positibo sa naturang sakit.
Base sa pinakahuling COVID-19 update ng City Information Department na kanilang ipinaskil sa kanilang social media page ngayong araw, ang nasabing indibidwal ay isang 65 taong gulang na babae na residente ng Brgy. San Pedro, at close contact ng kaso sa Brgy. Mandaragat.
Nakasaad pa sa impormasyong ibinahagi ng CID na asymptomatic ang pasyente o hindi nagpapakita ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kasalukuyan, may kabuuang 103 COVID-19 confirmed cases sa siyudad na kung saan, ang 30 ay active cases, 72 ang gumaling na at isa ang pumanaw.
Samantala, umaabot naman sa 535 ang mga taong sumasailaim sa quarantine sa Quarantine Facility.
Exit mobile version