Naka-alerto na ang mga awtoridad sa paparating ng Bagyong Odette na posibleng dumaan sa Lungsod at sa lalawigan ng Palawan.
Sa panayam ng Palawan Daily News Team kay Earl Timbancaya, head ng City Disaster Rick Reduction Management Office, sa ngayon naghahanda na sila simula pa ng lunes hanggang kasalukuyan ay naka alert Charlie na ibig sabihin naka highest preparation ang CDRRMO kaugnay sa bagyong Odette.
“Nakipag-ugnayan na tayo yong sa Security, Search and Rescue, Health, Evacuation Center management, at nakahanda narin yong pagkain at mayroong bilang mahigit limang daan na relief goods at posibleng madagdagan pa para sa maapektuhan,” Ayon kay Timbancaya
Inihahanda naman ang ilang paaralan sa lungsod at Ramon Mitra Sports Complex bilang Evacuation Center.