Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Brgy. Irawan

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Zone 7 Brgy. Irawan, Puerto Princesa ganap na 4:00 ng hapon kahapon Enero 10.

Kinilala ang biktima na si Arsenio Padilla Geronimo, 85 anyos, at residente sa  Wescom Road, Brgy. San Miguel.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, at sa salaysay ni Romeo Balano Espina 61 anyos, caretaker at residente sa Irawan , habang siya ay nasa lugar upang tingnan ang kabilang ilog  ay nakita niya ang naagnas na bangkay at may ilan ibon ang nasa katawan ng biktima. Agad niya itong pinagbigay alam sa Purok President at kay Kagawad Henry Cabarobias na itinawag naman sa PNP.

Ayon naman sa salaysay ng anak ng biktima na si Analyn Geronimo Romasanta, huli niyang nakita ang kanyang ama nitong ika-5 ng Enero at nag-usap pa sila sa Brgy. San Miguel at ang sinabi nito sa kanya ay “gusto ko na magpakamatay, maglalason na lang ako.”

Samantala, naniniwala naman ang anak ng biktima na nagpakamatay nga ito dahil sa may nakita sa lugar na bote ng insecticide.

 

Exit mobile version