Barangay kagawad ng Sta. Cruz, patay sa pananaksak

Patay sa pananaksak ang isang barangay kagawad na si Serafin Montealegre, 56 anyos, ng Barangay Sta. Cruz, Puerto Princesa City nitong ika-2 ng Nobyembre 2018. (Jane Castro/Palawan Daily News)

Dead on the spot ang isang barangay kagawad ng Barangay Sta. Cruz, matapos pagsasaksakin ng dalawang suspek sa tahanan nito sa nasabing barangay pasado alas sais y medya ng gabi nitong Biyernes, ika-2 ng Nobyembre 2018.

Kinilala ang biktima na si Serafin Montealegre, 56 anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya,nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng mga suspek na kung saan nauwi sa pananaksak.

Samantala, nasa pangangalaga na ng Police Station 2 ang isa sa dalawang suspek na pumaslang sa biktima at patuloy itong iniimbestigahan, habang ang isang suspek ay malayang gumagala na ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad.

Exit mobile version