Batang otter, isinauli sa PCSDS

Batang otter, isinauli sa PCSDS

Batang otter, isinauli sa PCSDS

Isang juvenile Asian Small-clawed Otter (𝘈𝘰𝘯𝘺𝘹 𝘀π˜ͺ𝘯𝘦𝘳𝘦𝘢𝘴) ang isinauli ng isang mamamayan sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) kamakailan lang. Ang nasabing hayop na kilala sa lokal na tawag na β€œDungon” ay nakuha noong Nobyembre 2, 2020 ng PCSDS matapos ma-rescue ni Melvar Amasola, isang residente ng Brgy. Sicsican, Puerto Princesa City.

Naksaad sa Facebook post ng PCSDS ngayong araw na ayon kay Amasola, nakita ng kamag-anak niyang si Elena Mercado ang naturang hayop bandang 6 am noong Nobyembre 1, 2020 nang kaniyang tingnan kung bakit nag-iingay ang mga alaga nilang manok. Kinuha aniya ito ng kanyang kamag-anak at siya naman ang nag-report nito sa kinauukulan.

Matapos na mai-turnover sa PCSDS, dakong 10:57am sa nabanggit na petsa ay ibinalik sa natural nitong tahanan ang Dungon.

Ang nailigtas na Juvenile Asian Small-clawed Otter ay may habang 25 sentimetro at bigat na tinatayang kalahating kilo. Sa ngayon, matatawag na β€œendangered species” ang nasabing buhay-ilang sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.

Sa muli ay nanawagan ang pamunuan ng PCSDS sa mga mamamayan na agad na ipagbigay-alam sa kanila kung may makitang buhay-ilang gamit ang hotline numbers na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT). Maari ring magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page.

Exit mobile version