Bayron, maglalahad ng estado ng Puerto Princesa sa Martes

Nakatakdang isagawa sa araw ng Martes sa City Coliseum ang State of the City Address o SOCA ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R.Bayron.

Ayon sa Sangguniang Panlunsod Secretariat, ganap na 9:00 A.M. sa September 17, 2019 ay magkakaroon ng special session ang City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Maria Nancy Socrates at ang tanging agendum ay ang SOCA ni Bayron.

Tumanggi namang magbigay ng detalye ang City Information Office kung ano ang mga sasabihin ni Bayron sa kaniyang ulat sa bayan kaya dapat daw na pakinggan ang kaniyang SOCA para malaman ito.

Kaugnay nito ay nagsagawa na kaninang umaga ng isang Press Briefing sa mga miyembro ng Puerto Princesa City Press Corps ang Sangguniang Panlunsod sa pangunguna ni City Council Secrtary Atty Philip Hilario at ng kawani ng CIO na si Normalyn Dave.

Sa briefing inilatag nila kung saan dapat pumuwesto ang mga kagawad ng media na magsasagawa ng coverage.

Filipiniana ang dapat suotin ng mga babaeng dadalo habang Barong Tagalog naman ang para sa mga lalaki.

Umaasa naman ang City Goverment na makakarating ng malinaw sa taong bayan ang mga sasabihin ni Bayron.

Ito ang ikalawang SOCA ni Bayron simula nang siya ay manungkulan bilang Punong Lunsod ng Syudad ng Puerto Princesa.
Exit mobile version