Kasalukuyang naghahanda ang mga retailer ng mga paputok sa Peneyra road, Baranggay San Pedro ngayong lunes para sa papalapit na pagsalubong ng kapaskuhan at bagong taon.
Ang pagsasagawa ng firework activities ngayong pandemya ay pinapayagan ng City Government, ngunit sa ligtas na paraan katuwang ang mga health protocols na pinatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Emelyn Bañadera, retailer ng GALAPSCHEY FIREWORKS. Iinspeksyunin sila ng “Bureau of Fire Protection” mamayang hapon, habang hinihintay pa umano nila ang kanilang kaukulang Mayors permit.
Ayon naman kay FO3 Torres kasalukuyan pa nilang isinasagawa ang Safety Inspection Permit para sa kanilang pagiinspection, abiso naman ng BFP para sa mga mamimili ay iwasan ang manigarilyo, o pag gamit ng kahit anong bagay na maaaring lumikha ng sunog, upang maiwasan ang anumang uri ng insidente.