[BREAKING NEWS] 2 pang COVID-19 patient sa lungsod, gumaling na

Masayang ibinalita ni City Information Officer Richard Ligad ngayong araw, July 13, na dalawa pang COVID-19 patients sa lungsod ng Puerto Princesa ang gumaling na.

Sa online advisory ng tagapagsalita ng lungsod sa pamamagitan ng official Facebook Page ng City Information Department, sinabi nitong ang dalawa ay “fully recovered” na base sa deklarasyon ng City Incident Management Team.

“Ang isa ay nagmula sa Barangay Sta. Monica, female, 27 years old at gumaling po s’ya sa COVID. Na-Rapid Test po sila kahapon [July 12] at sila po ay pwede nang makasama ng kanilang mga pamilya. At ‘yong isa naman po ay isang LSI, babae, 25 years old at dumating dito sa ating lungsod nung June 18, sakay ng Air Asia,” ani CIO Ligad.

Dahil dito, siyam na ang bilang ng mga gumaling sa sakit na COVID-19 sa lungsod mula nang magsimula ang pagpapauwi sa mga kababayan nating na-stranded sa ibang lugar habang 10 naman ang nananatiling aktibong kaso.

“Ang sampu na ‘yon ay dalawang PDL, anim na grupo ‘yong sa Sta. Monica at dalawang LSI. So, ito nalang ang binabantayan ng ating mga health officers. Magandang balita po ‘yon lalo na dito sa dalawang COVID recoveries natin,” dagdag ni Ligad.

Exit mobile version