Nagsimula na ang Brigada Eskwela sa lahat ng antas ng paaralan ngayong araw ng Lunes, Agosto 14, sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, kung saan ang 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC) ay nanguna na sa paglilinis sa paaralan na kanilang nasasakupan.
Nagtipon ang mga tauhan ng 1ST Palawan PMFC, sa pangunguna ni Police Captain Freddie S Ugalde, Platoon leader sa ilalim ng direkta pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Klinton Rex L Jamarol, Force Commander, sa kick-off ceremony ng Brigada Eskwela 2023. Ang tema ng okasyon ay “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, Tara Na, Magbrigada na Tayo.” Ito’y idinaos sa Sicud Elementary School, sa pangunguna ni Elizabeth M. Galon, Head Teacher III, at kasama ang Barangay Chairwoman na si Hon Fatima G Montaño, mga guro, estudyante, magulang, at iba pang stakeholder ng Munisipyo.
Ang aktibidad ay layuning ihanda ang mga pasilidad at lugar ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa huling linggo ng Agosto.