Nominado si Marilou D. Nale na isang Barangay Population Volunteer (BPV) mula sa Barangay Irawan sa Rafael M. Salas Kaunlaran Pantao Award (RMSKA) ng Commission on Population and Development.
Si Nale ay tinanghal bilang Most Outstanding Barangay Population Volunteer sa MIMAROPA at nominado para sa top three National Awardees ng RMSKPA sa 2023.
Sa liham na ipinadala kay Mayor Lucilo R. Bayron, ibinunyag ng komisyon na si BPV Nale ay kinilala bilang regional winner para sa Most Outstanding Barangay Population Volunteer sa buong MIMAROPA at isa sa mga nominado para sa tatlong pinakamagaling na awardee sa pambansang antas ng RMSKPA.
Ang pagkilala ay naglalayon na parangalan ang mga “Bayani ng Komunidad,” ang mga Barangay Population Volunteers, na nagbibigay ng mahusay na serbisyo para sa mas maayos na kalidad ng buhay sa kanilang komunidad. Ang mga mananalo ay magtatanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng 100,000, 75,000, at 50,000 bawat isa sa dalawang kategorya: City at Municipal.