CIDG, inilahad ang tamang pagsampa ng kaso sa mga nabiktima ng scam

Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) // Photo from Puerto Princesa City Police Office

Inihayag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tamang paraan ng pagsasampa ng reklamo para sa mga biktima ng scam.

Ayon kay Major Joseph Severino, ang Pinuno ng CIDG-Palawan, maari itong gawin sa kanilang opisina o maging sa PNP kung ikaw ay nabiktima ng panluluko, lalo na kung ito ay nangyari sa pamamagitan ng social media. Mahalaga na magtungo nang personal upang suriin ng kanilang mga imbestigador ang reklamo at malaman ang mga hakbang na kailangang gawin o anong kaso ang isasampa.

“Pwde naman kahit wala ang address basta mayroon pangalan i-file idaan sa regular filing. Kung sa amin i-assess namin hanggang saan at kung anong kaso ang isampa doon sa nanluko sa kanila,” pahayag ni Major Severino.

Samantala, bahagi ng proseso ang pagkuha ng testimonya mula sa mga nagrereklamo at ito ay idadaan sa regular na filing process para sa kaso.
Exit mobile version