CIO Ligad, nagpaalala sa mga nabibiktima ng “Banayad Whiskey”

Nagpaalala si City Information Officer Richard Ligad sa mga napapasobra ang pag-inom ng alak at hindi na nagtitira ng pang-uwi bagkus ay sa kalsada na humihiga.

“Sa lahat po ng umiinom lalo na yung nabibiktima ng Banayad Whiskey eh wag ho kayong iinom ng marami kung ayaw niyo makita namin kayo at mailagay namin kayo bilang isang Banayad Whiskey model. Wag ho kayo uminom ng sobra-sobra,” ani Ligad.

Ipinaalala ni Ligad na importante ang disiplina sa pag-iinom ng alak upang maiwasang mapahamak kung sa kalsada hihiga.

“Kasi hindi niyo pag-aari ang kalsada. Ang unang-una dyan talaga [ay] ang inyong kaligtasan. Eh hindi kayo safe kapag kayo nahiga na lamang sa kalsada. Problema yan. Dapat magtira kayo ng pang-uwi at ilagay ang disiplina kahit sa pag-iinom,” paalala ni Ligad

Dagdag pa ni CIO Ligad, iyong mga walang disiplina sa pag-inom ng alak ang may kasalanan kung bakit na i-post nila ito sa social media bilang model ng Banayad Whiskey.

“Kapag naging model kayo ng Banayad Whiskey eh galit kayo,” pahayag pa ni Ligad.

Samantala, naging patok ang tawag na “Banayad Whiskey” sa mga taong nasobrahan sa pag-inom ng alak at ginagawang kama ang kalsada.

Exit mobile version