Sangguniang Panlungsod, nais na magpasa ng resolusyon sa Comelec para sa pagpapalawig ng voters’ registration

Photo Credits to Jane Jauhali

Sa naganap na 17th regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ngayong araw ng Lunes ika-18 ng Hulyo.

Ipinatawag ng Sangguniang Panlungsod ang City Comelec Officer, Attorney Julius Cuevas, kaugnay sa sitwasyon ngayon sa voters’ registration dahil sa mahabang pila na nagaganap sa registration site.

Umaaray na kasi ang mga nakapila simula pang July 3 at magtatapos sa July 23,  simula pang madaling araw hanggang sa sila ay natutulog na sa registration site para lamang makapagparehistro sa Barangay at SK Election ngayong December 2022.

Nais ng City Council na matugonan at matulungan ang City Comelec dahil sa sitwasyon ngayon na kinakaharap ng mamamayan sa pagpila sa registration site.

Ayon kay Konsehal Elgin Robert Damasco, kung maaring makatulong ang City Government sa pamamagitan ng pagdagdag ng computer, tauhan para lamang ma- accommodate ang mga nakapila na magkaroon ng solusyon dahil ang iba ay mula pa sa malalayong Barangay sa lungsod ng Puerto Princesa at ilang araw nang nakapila at nagpapalipas na ng gabi sa registration site at kung maaring magkaroon ng extension para sa registration dahil sa July 23 ay magtatapos na ang voters registration.

Sa naging sagot ni City Comelec Officer Attorney Julius Cuevas, wala umano silang kapangyarihan na ma-extend ang registration at tanging ang Comelec En Banc lamang ang may kakayahan nito. At hindi na rin maaring madagdagan ang ginagamit nilang tatlong voters’ registration machines dahil ang mga ito ay naka-special program na mula sa Commission on Elections head office.

“The answer is negative because only the Comelec En Banc can issue through Comelec resolution regarding or pertaining to the extension of the voters’ registration. As of the moment the Comelec Head Office had announced that they will not issue any rules or resolution with regard to the extension of voters’ registration, we’re hoping that everyone will be accommodated (this) come July 23,” saad ni Cuevas.

Bagaman ayon pa kay Cuevas depende sa magiging demand ng publiko at maaring pakinggan ng Head office.

“Depends sa demand ng Publiko na dinidinig naman ng head office kung kailangan pa bang e-extend yung voters’ registration,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Damasco, maari rin naman magpasa ng resolusyon at aniya wala naman magiging problema kung susubukan at para mapadali ang pagpapadala ng hinaing sa Comelec at hindi na kailangan itong idaan sa City Mayor’s Office base narib sa naging suhistyon ni Konsehal Jonjie Rodriguez.

Samantala tinanong naman ni Damasco ang City Comelec Officer kung bakit napakahaba ng pila at ano ang maaring tugon, dahil hanggang July 23 nalamang ang voters’ registration.

Sa pahayag naman ni Attorney Cuevas, bago siya nag-resume sa City Comelec noong July 1, ay kanya ng hiniling sa Director at sumulat siya para sana ma-apbrobahan ang satellite registration, dahil nasa 150 to 180 lamang ang kanilang kayang accomodate sa isang araw dahil sa dami ng nagpaparehistro.

“Kasi po historical data kapag kina-conduct ang voters’ registration doon sa City Coliseum ang kayang e-accommodate lang is 150 to 180 because of many factors at ang main factor nito is yung waiting area because yung mga likod ng aircon nakabuga doon sa hallway. So yung mga matatanda hindi sila nakakatagal nag-aalisan just to let you know that our office has provided beforehand a solution to address the future problem, that is requesting for the satellite registration into major. Kung makikita niyo historical data we accommodated at least 200 to 340 registrants while conducting in the mall so ganun lumaki ang registrants ang na-accommodate ng Comelec. On our part, it’s a successful step ang ma-accommodate ang mamamayan ng Puerto Princesa. Kahit  short period of time dahil 18 days lang ang binigay ng Comelec sa pagpaparehistro,” salaysay pa ng city election chief.

Pinaliwanag rin nito sa City Council na ang problema ay ang voters’ registration machine dahil tatlo lang ang naka-program sa City.

“For every City or Municipality there is only one VRM and base on the field office data policy we are only allowed to have one VRM na nagseserve as main server you can top another disk top as client computer which can do the function of the main server.so makikita niyo sa step 3 doon sa capturing ng biometric may dalawang computer and then we manage also to have one laptop to accommodate to a new registration, isang main server na nakakapag accommodate siya or nakakapagprocess siya ng new registration transfer the activation ngunit pwede ito ma-extend yung function pero yung isa naman na laptop pang new registration lang siya, at kung ang question niyo ay kung pwede pang madagdagan ang laptop? Hindi na dahil naka-special program yun na inaaprobahan at inasign sa City, and then kung ang tanong ninyo kung yung main server pwede pang magkaroon ng another client computer hindi na, isa lang so maximum 3 voters registration machine lang.

Kanya rin pinagdiinan ang alegasyon kaugnay sa pilahan na di umano nagkakaroon ng palakasan system, kung saan may nakakasingit lalo na kung kanilang kakilala. Aniya walang katotohanan ang alegasyon dahil agad silang nagbibigay ng numero sa mga nakapila.

Kaugnay niyan, napagkasunduan ng City Council na magpasa ng resolution sa Comelec En Banc na naghihingj ng pagpapalawig pa ng voters’ registration ng Barangay at SK Election upang sa ganun ang lahat ng nais magparehistro ay makaboto sa election.

Exit mobile version