Dekada nang hirap sa kalagayan ng kalsada sa Sityo Busngol, Barangay Santa Lourdes, prayoridad matugunan ni Konsehal Damasco

Photo Credits to Sangguniang Panlungsod Puerto Princesa

Mariing hiniling ni City Councilor Robert Elgin Damasco sa Office of the City Agriculturist sa pamamagitan ng pamahalaang lungsod mabigyang pansin ang dekada nang hinaing ng mga taga Sityo Busngol ng Barangay Santa Lourdes, Puerto Princesa.

 

Sa privilege hour sa Sangguniang Panglungsod, ibinahagi ni Konsehal Damasco ang kanyang naging karanasan sa ginawa nitong pagbisita sa mga magsasaka sa Sityo Busngol.

 

Personal na nasaksihan ni Damasco ang tunay na kalagayan ng mga residente at magsasaka sa lugar, partikular ang hirap ng kanilang sitwasyon sa nagbababa ang mga nito ng kanilang mga inaning gulay, tulad ng Chinese cabbage, broccoli at Baguio beans, at iba pa.

 

Dahil dito, ninanais ni Damasco na mabilis na bigyang aksyon ng City Agriculture Office na mamantina ang mga taniman ng gulay dahil sa malaking tulong nito sa kanilang pamumuhay.

 

Sakaling magpatuloy ang suplay ng mga gulay mula sa Sityo Busngol, hindi na kailangan pang mag-angkat ng mga kahalintulad na produkto mula sa labas ng lalawigan.

 

Itinuturing na iisa lamang ang isyu sa lugar, ang napakapangit na sitwasyon ng kalsada papasok sa Sityo Busngol na dekada nang pahirap para sa mga residente at magsasaka ng lugar.

 

Sakaling mabigyang aksyon, potensiyal din ang Sityo Busngol para maging pook-pasyalan dahil sa angkin nitong natural na kagandahan ng kalikasan, kasama pa ang magandang mga view deck, at iba pa.

 

Sa bahagi ng privilege speech ni Damasco, sinabi nito, “…Sitio Busngol has lot of opportunities not only beneficial for agriculture but has huge potential in tourism industry since the site is also potential area for construction of view deck for spectacular views of mountain sceneries. The site is also adjacent to Disay Falls and endowed with alkaline spring water that attracts local and foreign tourists.”

 

Bukod sa City Agriculture Office ng Puerto Princesa, tinawagan din ni konsehal ng pansin ang tanggapan ng Punong Lungsod Lucilo R. Bayron na bigyang pondo upang mabilis na maisa-ayos ang farm-to-market road mula sa Sitio Monsod, Barangay Sta. Lourdes hanggang Sitio Candis patungong Bacungan.

 

Sa pahayag pa rin ni Damasco, “the construction of accessible farm-to-market road of Sitio Busngol is not only beneficial to farmers but a gateway for income-generating activities that contribute to the local revenues of the City Government. Road is the major factor to socio economic development, that boost eco-tourism hub and center for high valued vegetables to attract buyers and tourist enthusiast.”

Exit mobile version