City Government, babawiin na ang buong palengke sa pamamahala ng Areza Cruz

San Jose Public Market. Photo Credit to World Wanderings

PUERTO PRINCESA CITY — Nakatakda na ang pagbawi ng pamahalaang lungsod hindi lamang ng San Jose Bus Terminal ngunit ng buong pamamahala ng old at new market sa pamunuan ng Areza Cruz.

Sa pahayag ni Atty Arnel Pedrosa, sinabi nito na final and executory ang utos ng Court of Appeals  kaya ipapatupad na nito ang pagbawi sa ika-19 ng Hulyo ngayong taon matapos na bigyan ng Notice to Vacate ang Areza noong ika-09 ng Hulyo.

Ayon naman sa Areza Cruz, umapela pa sa Korte Suprema ang kanilang tanggapan kaya’t hanggat wala pa itong desisyon ay hindi umano sila bibitiw na pamahalaan ang palengke.

Samantala, nagpapasalamat naman ang grupo ng mga vendors na nakipaglaban upang manumbalik sa pagiging Public Market.

Exit mobile version