Clearing operations sa mga kalsada, isinagawa; Pamahalaang panlungsod, agad na nagpadala ng food packs sa mga mamamayang lumikas

Clearing operations made by some authority from Philippine Coast Guard // Philippine Coast Guard

Matinding pananalasa sa ilang mga barangay sa Puerto Princesa City ang idinulot ng Bagyong Egay kahapon: Nabuwal ang mga puno, umapaw ang mga ilog, at nagkaroon ng landslides.
Dahil sa malakas na pag-ulan, nasarhan ang ilang mga kalsada dahil sa putik at mga punong kahoy na bumara sa daan. Ngunit agad na kumilos ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) upang maibalik sa normal ang daloy ng transportasyon.
Kasama sa mga kalsadang naapektuhan ay ang national roads sa Brgy. Salvacion, Brgy. Napsan, Brgy. Langogan, at Brgy. Inagawan.
Sa mga lugar na Irawan, Maruyugon, Concepcion, San Rafael, Tagburos, Maoyon, at Solomon, inabot ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog na nagresulta sa pagbaha. Ngunit agad din naaksyunan ang sitwasyon at naiayos ang mga tulay upang muling makadaan ang mga sasakyan kahapon.
Pansamantalang kanselado pa rin ang mga tours sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) at Hunda Bay Island Hopping dahil sa patuloy na pananatili ng masamang panahon.
Ayon sa huling talaan ng Emergency Operations Center (EOC), umaabot na sa 593 na pamilya ang nasa evacuation centers, na may kabuuang 1,802 na indibidwal.
Sigurado naman na mabigyan sila ng sapat na food packs na kakainin sa loob ng tatlong araw. May ilang evacuees na rin ang nakauwi na sa kanilang mga tahanan matapos humupa ang pag-ulan at baha sa ilang mga lugar.
Patuloy pa ring isinasagawa ang assessment upang malaman ang pinsalang idinulot ng Bagyong Egay sa agrikultura, kabahayan, at mga industrial na lugar. Magandang balita naman na wala pang naiulat na nawawala o nasaktang tao dahil sa bagyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan pa rin na magpapatuloy ang malakas na hangin na may bilis na 50 hanggang 70 kilometro kada oras, at patuloy pa rin ang pag-ulan dahil sa hanging Habagat.
Hinimok ang lahat ng mamamayan na mag-ingat lalo na sa mga bibiyahe upang maiwasan ang anumang aksidente. Ipinapaalala rin na patuloy na subaybayan ang pinakabagong update sa panahon.
Exit mobile version