Nilinaw ng Commission on Elections dito sa Lungsod ng Puerto Princesa kung paano nila hinahati-hati ang 50 katao na kaya nilang tanggapin sa kanilang opisina base sa kautusan ng City Government at Incident Management Team (IMT) kaugnay ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
“Kaya sabi ko mag-allocate tayo, let us say 12 online applicants so 50 applicants per day. 15 applicants nire-reserve natin yan sa senior citizen, PWD, pregnant women, health workers, armed forces at PNP para maka-express sila, tapos 35 in-allocate natin yan sa walk-in sa regular, so out of 35 may naka online na 12 so ang mabibigyan na lang natin ng number dito sa walk-in ay 23. Yun lang ang puwede natin ma-accommodate for the time being,” pahayag ni Ferdinand T. Bermejo, City COMELEC Officer.
Dadag pa ni Bermejo, noong wala pang inilabas na kautusan mula sa City Government at IMT na magbawas ng 50% ay umaabot ng 100 katao ang kaya nilang mapagbigyan para sa magparehistro.
“Bumaba ang recommendation ng Incident Management Commander natin si Dr. Dean Palanca na to reduce 50% yung mga transactions natin kaya bumaba tayo sa 50 applicants per day. Dati ina-accommodate namin ay 100 persons per day so we have to cut down 50%, ibig sabihin from 100 to 50 applicants per day.”
Binanggit din ng COMELEC Officer na mas magandang mag-online na lang upang hindi na mahirapan. At kung pupunta sa kanilang tanggapan ay ugaliing sundin ang ipinatutupad na minimum health standard.
“Sa mga kababayan natin magparehistro na kayo habang may panahon pa, ang schedule ng pagpaparehistro natin ay nabago na ngayon ay simula Martes hanggang Sabado alas 8 [umaga] hanggang ala 5 ng hapon, magdala ng sariling ballpen, face mask, face shield at mayroon po po kayong dalawa option kung paano makapagparehistro: una puwede kayo pumunta dito, walk-in application, so kung mag online application kayo, maaari po kayong ma-accommodate na hindi na po kayo pipila pa sa regular lane o sa express lane dahil by appointment na po yun. Mas mapapadali kayo kung online application kayo.”
Ayon naman kay Bharbs ng Barangay San Miguel mas maganda magparehistro online pero sana huwag lang magkaproblema sa kanilang website gaya ng ibang tanggapan ng pamahalaan kaya umano ang iba ay mas pinipili na mag-walk-in.
“Mas komportable lalo na ngayon na pandemic para sa akin since may acces ako online, provided na maayos yung system nila kasi yung iba pinipili pa rin yung pumunta talaga sa opisina ng gobyerno para mas mapabilis,”