Covid-19 vaccination, hindi mandatory sa mga frontliners

Nagsagawa ng survey ang Palawan Provincial Health Office sa mga frontliners sa lalawigan kung handa ba silang magpabakuna kontra sa COVID-19.

“Ngayon pong araw na ito mayroon na naman po silang survery na ipinapasumite po sa amin regarding po sa aming willingness na ma-vaccinate. Naisumite narin po natin ang lahat ng medical frontliners po ng Palawan sa ating CHD-MIMAROPA.”

“Ngayon po we have already been tasked by the DOH na mauna na po sa amin yung listahan ng ating mga medical frontliner. Yun po talaga ang pinaka-una na dapat mabakunahan. Ang information po sa amin ay darating na po ngayong Pebrero ang unang batch po ng mga bakuna,” pahayag ni Dra. Faye Erika Labrador, Provincial Health Officer.

Ayon naman kay Puerto Princesa City Health Officer at Chairman ng PPC-COVAC Dr. Ricardo Panganiban, hindi nila pipilitin ang mga frontliners sa lungsod ng Puerto Princesa at hahayaan ang mga ito na mag-desisyon para sa kanilang sariling kalusugan.

“Hindi po kahit na yung DOH sinasabi na hindi po siya mandatory kasi siyempre katawan mo po yan eh. Ikaw po ang magde-decide sa kung ano ang tingin mo [na] mas maganda para sayo. Kung tingin mo yung magpabakuna ay advantage yun para sayo then go for it. Pero kung tingin mo hindi, eh harm pa ang magagawa niya sayo then di ka naman pipilitin.”

Pero ipinaalala rin ni Dr. Panganiban na kapag tumanggi ang mga ito o kung sino man sa gagawing vaccination at biglang magbago ang isip na gusto nang magpabakuna ay mapupunta na sila sa dulo ng listahan.

“Yung sinasabi namin sa ibang health workers, kung kayo hindi niyo tinake-advantage o in-avail, naka-priority ka tapos hindi mo in-avail yun then later on sinabing ‘Ay, gusto ko na,’ nasa bottom [of the list] ka na. In other words, hindi namin aantayin.”

Exit mobile version