COVID-19 vaccine, darating ngayong Setyembre – Puerto Princesa City Government

Ngayong Setyembre umano posibleng dumating sa Puerto Princesa ang mga bakunang mula sa AstraZeneca Pharmaceuticals. Pero umaasa rin ang City Government na mas maaga itong made-deliver.

“Yung mga nakaraang information na natanggap namin ay ang sabi [sa] September [2021] pa kasi mas maraming iba ang nauna sa atin. But we are expecting and hopeful na dahil nakapagbayad tayo ng maaga [o] before the deadline ay baka magawan ng paraan nung mga kausap natin na ma-order at mapaaga yung pag-deliver dito sa lungsod ng Puerto Princesa.” Ayon kay Attorney Arnel Pedrosa, Puerto Princesa City Administrator.

Noong Enero 15 lamang ay lumagda ang Local Government Unit (LGU) ng Puerto Princesa sa isang kasunduan sa AstraZeneca Pharmaceutical Company upang mag-supply ng mga COVID-19 vaccine sa lungsod.
Dagdag pa ni Atty. Pedrosa, nakapagbigay na rin ng advance payment ang LGU sa kumpanya.

“Just like the other Local Government Units sa buong Pilipinas na nag-manifest ng kanilang intensyon to purchase yung COVID-19 vaccine ay nagbayad na rin po ang lungsod ng Puerto Princesa ng P9.6 Million, more or less, ng kaniyang advance payment doon sa [AstraZeneca] pharmaceutical company.”

Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-negosasyon ng lokal na pamahalaan sa ibang mga vaccine manufacturers.

Exit mobile version