Dalawang traffic enforcers na suspendido dahil umano sa pangongotong, nag-resign na

 

Hindi na pinatapos pa ang isinasagawang imbestigasyon ng City Traffic Management Office (CTMO) ng dalawang traffic enforcers na ini-reklamo ng pangongotong ng isang motorista.

 

Batay sa naging transaksiyon sa pagitan ng motorista at dalawang kawani ng traffic enforcers, nagkaroon umano ng mga paglabag ang motorista at lumalabas na nagbayad o nagbigay ito ng P700 sa mga traffic enforcers upang hindi ma-impound ang kanyang motor, bagay na hindi tinanggihan ng dalawang kawani ng CTMO.

 

Anya, upang hindi mahalata na nag-abot ng pera ang motorista, kailangan daw ilagay sa papel at ilagay lamang sa gilid para walang makakita.

 

Sinasabi din ng isang traffic enforcer na dapat sana’y walang magiging problema sa kanilang pinag-uusapan, at dapat umano hindi umano ito makarating sa opisina ng CTMO.

 

Samantala, habang gumugulong ang imbestigasyon sa mga ito ay nagpasa na ng resignation ang dalawa.

Exit mobile version