Estudiyante sa Iligan City, naiscam ng nagpanggap na online store ng iphone sa isang mall sa Puerto Princesa

Isang estudyante mula sa Iligan City ang naging biktima ng panloloko matapos ma-scam ng halagang P5,000 sa isang online transaction ng isang nagpapanggap na tindahan ng iPhone sa isang mall sa Puerto Princesa City.
Ang estudyanteng nagngangalang Aslam Radiomoda, ay naghahanap ng murang iPhone sa online marketplace upang matugunan ang kanyang pangangailangan.
Sa kanyang paghahanap, natuklasan niya ang isang online store na nag-aalok ng mga iPhone sa mababang halaga. Dahil sa pagkakaroon ng positibong mga review, pagpapakita nito ng umano’y “business permit,” at murang mga presyo, napapayag si Radiomoda na magpatuloy sa transaksiyon.
Matapos makipag-usap sa nagbebenta at magkasundo ang mga ito, nagpasya si Radiomoda na magpadala ng P5,000 bilang downpayment para sa iPhone.
Inaasahan niya na matatanggap niya ang produkto sa loob ng ilang araw. Ngunit, matapos niyang maipadala ang pera, wala na umano siyang natanggap na kahit anong komunikasyon o update mula sa nagbebenta.
Nagising si Radiomoda sa katotohanang siya ay na-scam ng isang nagpapanggap na online store. Naisip niya na maaaring wala nang pag-asa na maibalik ang kanyang pera o makamit ang inaasahang iPhone.
Nagdesisyon si Raidomoda na isumbong ang insidente sa Palawan Daily upang humingi ng tulong.
Nang sadyain naman ng news team ang mall ngayong araw upang hanapin ang tindahan ng umano’y nagbebenta ay aming natuklasan na wala umanong stall o tindahan sa naturang mall na nakarehistro sa pangalang Joy Gadgets PH.
Dagdag pa ng ibang mga stall owners ay bukod sa mga kawani ng pulisya ay marami na umanong pumunta roon upang hanapin rin ang nasabing tindahan ng iPhone.
Sa pagtaas ng mga kaso ng online scams ay pinapayuhan ang lahat na maging maingat at mapagmatiyag sa mga nagbebenta ng mga produkto online.
Ang insidentemg ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging maingat at mapanuri sa mga online transactions upang maiwasan ang mga scammers.
Exit mobile version