Estudyanteng ama, naaksidente

Narescue si Miguilito "Glen" Dingcol, 42, pagkatapos na ito ay tumilapon at nahulog sa bangin. Larawan kuha ni Calao Juacan/PDN.

PUERTO PRINCESA CITY — Na-rescue ang isang tatay at mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) kaninang 9 ng umaga, Hulyo 16 pagkatapos na tumilapon sa sinasakyang service truck.

Nakilala ang biktima na si Miguilito “Glen” Dingcol, 42, na umano’y nanggaling pa sa Sitio Nasuduan, Barangay Cabayugan.

Sumakay ito ng bangka mula sa sitio hanggang Barangay Buenavista, Puerto Princesa City. Dito na sya nakisakay sa service truck ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) at pagdating ng kilometer 38 ng Barangay Salvacion ay naaksidente ito.

Si Dingcol ay tumilapon sa bangin mula sa truck na umano’y nadulas at sumampa sa baradilya ng kalsada.

Sa likurang bahagi nakaupo si Dingcol kasama ang ilang mga empleyado ng PPUR ngunit siya lang ang nagkaroon ng malaking sugat sa ulo.

Mula sa kanilang lugar patungo na sana siya sa bayan at sasakay uli ng bangka papuntang Tawi-tawi upang doon mangisda para madagdagan ang kita para sa pamilya.

Kapag ganitong mga panahon umano ay madalas masama ang panahon dito na apektado ang kabuhayan sa pangingisda kaya nagpasya na doon muna maghanapbuhay ng ilang buwan upang matustusan ang apat na anak na nag-aaral.

Sa ngayon ay nasa isang hospital ang tatay na mauudlot ang paghahanap buhay sa di inaasahang pagyayari.

Ang Foton truck ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) na naaksidente kahapon, Hulyo 16 sa Kilomter 38 sa Barangasy Salvacion, Puerto Princesa City. Larawan ni Calao Juacan/PDN.
Exit mobile version