Ex-Airman, arestado sa buy-bust

Larawang kuha ni Imee Austria/PDN

Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan ang dating Philippine Air Force member sa Tankiao Road, Barangay San Miguel, 9:00 kagabi, Agosto 9.

Kinilala ang arestado na si Jerad Immak, 29 anyos, at may-asawa. Nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng ilegal na droga at drug paraphernalia.

Sa panayam ng Palawan Daily News Team sa suspek, sinabi nito matagal na siyang tumigil sa paggamit ng droga at itinanggi rin nito na nagbebenta siya ng ipinagbabawal na gamot.

Maharap sa kasong paglabag ng Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.

Exit mobile version