Arestado sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng Puerto Princesa City Police Station 2 ang isang estudyante ng Palawan National School noong Setyembre 7 sa Barangay San Pedro. Nakuha kay Tom Steven S. Lumogdang, 18 anyos, at Grade 8 student ang isang stick ng marijuana.
Sa panayam ng Palawan Daily News kay Lumogdang sinabi nito na siya ay gumagamit at minsan na siyang nahuli ng kanyang magulang at napalo pa ito. “Maglilimang buwan kuna po ginagawa at binibenta ko po para may kita ako. Minsan po nahuli ako ng magulang ko at pinagalitan nila ako,” sabi ni Lumogdang.
Sinabi nito kung kanino siya kumukuha ng marijuana. Agad nagsagawa ng follow-up operation ang PS2 at kagabi Setyembre 8 pasado 8:30 p.m. ay nahuli si Aurelio Juben T. Queaño na siyang tinuturo na source ng Marijuana. Nakuha sa kanya ang isang supot ng marijuana na may bigat na 60 grams na may P12,000 na street value.
Ang marijuana ay isang droga na kung makakapasok sa katawan ay may kakayahang baguhin ang iyong pisikal at mental na mga kakayahan. Kadalasan ginagamit upang gamutin, pagalingin, maiwasan o magpatingin sa isang sakit ngunit mayroong mga droga na nakakasama sa katawan at ito ang mga ipinagbabawal na gamot.
Samantala mahaharap sa kasong Paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga Suspek.