Isinusulong ngayon sa ika-43 Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang pagbuo ng food security council para masigurong sapat ang pagkain sa lalawigan.
Ito ang proposed Resolution No. 007-21 na may titulong “Creating the Palawan Provincial Sustainable & Ecological Food Security Council, appropriating funds therefore and for other related purposes” na inakda ni Board Member Ryan D. Maminta.
Sinabi ni Board Member Maminta na layunin ng pagbuo ng konseho ay para magkaroon ng maayos na polisiya sa food security at sustainble development sa paglikha ng mga produktong pang- agrikultura.
“Ito yung konseho na gusto nating likhain para maging pangunahing policy-making body at reccomendatory sa lahat sa national government agencies na nandito sa probinsiya, sa provincial government at sa mga lokal na pamahalaan” ani pa ni BM Maminta.
Ayon pa kay Board Member Maminta, umaasa siya na kapag nabuo ang konseho ay lalo pang mapapaigting ang paguusap maging ang paglikha at pagpapatupad ng polisiya na may kinalaman sa seguridad sa pagkain sa Palawan.
“Ang pagtiyak na yung mga magsasaka natin dito sa lalawigan ay matulungan sa pamamagitan kanilang paniniguro rin na magkaroon ng sapat na kita at yung affordability ng pagkain ay maaddress dito sa ating lalawigan sa ilalim lahat ng ecological stand point ng palawan doon sa tinatawag na sustaible development.” dagdag pa ni Maminta
Aniya, ang konseho ay isang multi-agency council, ibig sabihin, bubuuin ito ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagtitiyak ng pagkain kasama ang mga National Agency, Non-Government Organization at iba pa na pamununuan ng Gobernador.
Matatandaang ipinatawag sa sesyon ng provincial board at sa Committee on Agriculture ang National Food Authority (NFA), Department of Trade and Industry (DTI), Provincial Agriculture Office, at Provincial Veterinary Office hinggil sa food security at pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok sa palawan kamakailan.