Ipinagdiwang sa lungsod noong Nobyembre 14 ang World Diabetes Day na pinangunahan ng Non-Communicable Diseases Program ng City Health Office sa Mendoza Park, Puerto Princesa City.
Ang mga health worker mula sa iba’t ibang barangay ay sumailalim sa Hypertension and Diabetes Screening (HDS) at nakatanggap ng libreng serbisyong medikal tulad ng urinalysis, laboratory testing, at konsultasyon.
Sa mensahe ni Dr. Mark Haggai S. Buenaventura, Medical Program Coordinator ng Non-Communicable Diseases Program, binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga health worker mula sa barangay sa pangangalaga ng kalusugan ng komunidad. Naging prayoridad ang kanilang mga pangangailangan, kasama na ang maintenance medicine upang masiguro ang kanilang kalusugan.
Sa pagsasagawa ng laboratory examination, nagbigay nang paliwanag si Dr. Buenaventura ukol sa diabetes at ang mga posibleng epekto nito sa katawan.
Ipinakita rin ang kahalagahan ng tamang pangangalaga at pag-inom ng maintenance medicine, lalo na ang ‘metformin,’ para maiwasan ang mga komplikasyon.
Bilang bahagi ng programa, inire-rehistro ang lalabas na hypertensive at diabetic sa HDS sa Hypertension and Diabetic Program. Sila ay binigyan ng libreng maintenance medicine mula sa City Health Office na naglalayon na mapanatiling maayos ang kanilang kalusugan.