Intel officer ng Kapitolyo, arestado sa drug buy-bust operation sa Brgy. Milagrosa, PPC

Photo from We R1 at Your Service

Isang opisyal ng Kapitolyo ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok Masigasig, Rengel Road, Barangay Milagrosa sa lungsod ng Puerto Princesa, pasado alas-dose ng madaling araw ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 24.
Kinilala ng pulisya ang dalawang naaresto na si Anthony Babas y Tan, 57-anyos, isang intelligence officer ng Provincial Capitol, at nakatira sa Manalo Ext. Brgy. Bancao-bancao, sa lungsod at tinagurian ding High Value Target ng PNP. Ang isang suspek ay si Patricia Jean Samuel y Balino, 24-anyos, at parehong naninirahan sa nasabing Barangay.
Pinamunoan ang nasabing operasyon ni Police Executive Master Sargeant Eustaquio Ferrer kasama ang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Anti Crime Task Force Unit katuwang ang PDEA Regional Office MIMAROPA.
Nabilhan ang mga suspek ng operatiba ng isang (1) piraso ng heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na MOL 5.56.
Ayon pa sa PNP, ang mga indibidwal na ito ay sangkot umano sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa lungsod.
Samantala, sinampahan na ng kasong paglabag sa seksyon 5 (26-b) Art. II ng R.A 9165 o ang comprehensive dangerous act of 2002 ang mga suspek.
Exit mobile version