IPMR Representative sa Sangguniang Panlungsod, hindi pa pormal na uupo bilang kapalit ni Salunday

Hindi pa pormal na makakaupo bilang IPMR Representative ng lungsod ng Puerto Princesa si Dionisio Saadvedra, tubong Batak, sapagkat kinakailangan pa umano nito ng Certificate of Affirmation (COA).
Ang halalan ay naganap noong Hunyo 10. Hanggang ngayon, hindi pa pormal na umuupo o nadideklara bilang kinatawan ng IPMR si Saadvedra sa City Council.
Anim na mga aspirante ang tumakbo at si Saadvedra ang nakakuha ng 17 boto mula sa kabuoang 30.
Ayon kay Saavedra, kung siya ay maitatalaga, ang unang plano niya para sa 25 na mga barangay na may mga katutubo ay magkaroon ng kanya-kanyang evacuation center.
Sa kasalukuyan, wala pa ring desisyon mula sa NCIP at isinasagawa pa rin ang pagsusuri sa mga dokumento kaugnay ng pag-upo ng bagong kinatawan ng IPMR.
Natapos na rin ang termino ni Konsehal John Mart Salunday bilang kinatawan ng IPMR sa Sangguniang Panlungsod, ngunit nagkaroon ng desisyon mula sa Regional MIMAROPA na maaaring siyang mag-extend ng hanggang tatlong buwan hangga’t walang kapalit na nairehistro.
Exit mobile version