Naka-“red alert” status ang pamunuan ng Iwahig Prison and Penal Farm simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, taong kasalukuyan batay sa memorandum sa pagbabantay ng All Souls at All Saints Day.
Nakasaad sa kautusan na lahat ng empleyado na naka-off duty at sa mga nakaplanong mag-leave ay pansamantala munang kanselado upang bantayan ang seguridad sa lugar.
Nagsagawa naman ng surprise inspection sina CSUPT JOEL R CALVELO, CCINSP Gary Garcia (Deputy Superintendent for Security and Operations), CSINSP Ryan Mislay (Deputy Superintendent for Reformation), at CINSP Ian Jerick Marcelo sa tatlong sub-colonies upang masiguro na todo bantay ang kanilang mga tauhan.
Paalala ni CSupt Calvelo sa lahat ng mga tauhan nito, direktibang magreport sa sitwasyon sa lugar, bantayan at panatillihin ang katahimikan.