Kabalikat sa Kabuhayan na hatid ng SM Puerto Princesa, ginanap

Ginanap noong araw ng Biyernes, Hulyo 7, ang Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture sa SM Puerto Princesa na dnaluhan ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pangunguna ng SM Foundation.

Ang KSK ay ilan lang lamang sa mga programa ng mga pribadong sektor kaakibat ang lokal na pamahalaan upang lalo pang makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda ng lungsod.

Layon nitong mabigyan pa ng mas maraming mga opprtunidad pangkabuhayan ang mga Palaweñong pangunahing pinagkakakitaan ang pagsasaka, pagtatanim ng mga gulay at pangingisda.

Exit mobile version