Hindi pa raw alam ni Puerto Princesa City Councilor Matthew Mendoza kung anu ang magiging kapalaran nya sa darating na 2022 election. Isa siya sa apat na graduating councilors ng lungsod na matatapos ang ikatlong termino si Mendoza, at ayaw pa raw nya itong isipin sa ngayon lalo pa’t tutok ang kanyang trabaho sa recovery plan ng turismo.
Si Mendoza ang kasalukuyang chairman ng komite ng turismo, public works at local and international relations ng Sangguniang Panglungsod.
Sa panayam ng Story Café Live ng Palawan Daily nung Aug 27, sinagot ni Mendoza na kilala bilang dating aktor sa showbiz ang ilan sa katanungan hinggil sa kanyang karera sa pulitika.
“Naging artista ako hindi plinano yun, naging councilor ako pumasok ako sa public service hindi ko inaasahan, hindi ko alam last term na ito nire-respeto natin kung anu yung magiging desisyon ng panginoon sa atin, kung anung ibigay sa atin, kailangan na natin mag recover sa pandemic,” ani Mendoza.
Itinanggi nyang mahiyain syang tao dahil sa obserbasyon ng marami kung saan madalang siyang nakikipag usap sa mga tao, at matipid din syang magbigay ng panayam at magsalita sa mga pampublikong mga palabas.
“Hindi ko masasabi na mahiyain ako, siguro tahimik lang akong tao, yung mga nakakilala sa akin baka iba rin ang sabihin nila, minsan kasi once nasa trabaho ako dun na lang ako umiikot, hindi ako nagse-segue kung saan saan, baka kala nila mahiyain pero, pag may trabaho ako tinutukan ko hindi ako lumilipat-lipat, baka akala nila masyadong seryoso,” sabi pa ni Mendoza
Sa mga Kagawad ng lungsod, close umano sya kina Kagawad Roy Ventura, Victor Oliveros, Jimbo Maristela, Jimmy Carbonel at Nesario Awat, madalas din pag weekend ay lumalabas sila para mag get to together o mag bonding, barkada ang turingan nila lalo pa’t matagal na silang magkakasama sa serbisyo publiko.
Inamin ni Kagawad Mendoza na miss-na nyang umarte sa TV o pelikula, anya ang kanyang pelikulang “Dyesebel” ay isa mga naging tatak nya na hanggang ngayon ay dun pa rin sya kilala bilang Fredo, kung kaya mabibigyan uli ng pagkakataon ay bukas pa rin syang bumalik sa pag-arte, nais nya sanang makagawa ng mga action o comedy projects.
“Siyempre na-mi-miss din, it’s a different make believe world, hirap lang kasi yung layo ng Puerto at Manila, dati ginagawa ko yan dito ako nakatira umaalis ng Mondays bumabalik ng Friday o Saturdays kailangan umuwi kasi ma-miss ko yung pamilya, but given a chance in the future kung hindi makakasagabal sa trabaho why not, gusto ko na siyempre matagal din ako dun, dun din ako nakilala,” Dagdag ni Mendoza
Bilang Konsehal isa sa ipinagmamalaki na kanyang nagawa in terms of legislation ay ang ordinansa na magkaroon ng Underground River Day every November 11, na naging Presidential Proclamation na hindi nya inaasahang aabot sa ganun.
Madalas pa rin daw nyang gawin ang maglibot o mag-ikot ikot sa iba’t ibang lugar ng Puerto Princesa, bilang tsirman ng Public Works ay marami-rami na rin siyang naipasang ordinansa ukol sa pagsasaayos ng mga kalsada, isa nga raw sa mga natuwa sya sa magandang naidulot ay ang Pablico Road 1 na lubos napapakinabangan ng marami sa ngayon.
“For myself nakikita ko when I look back masasabi ko sa sarili ko nagawa ko to, nagawa ko yan, nakagawa ng paraan para makatulong, kung madudugtungan pa yung public service ko, ok, kung talagang etu na, let’s see hindi ko alam in the future,” Pahabol ng konsehal.