Arestado ng mga residente sa Barangay Masipag, Puerto Princesa kaninang madaling araw ika-13 ng Mayo, ang lalaking naabutan na paakyat sa bakod ng isang tahanan.
Kinilala ang suspek na si Erick Kalbo alyas Kerit, residente sa Barangay Pag-asa.
Ayon sa Anti Crime Task Force, at sa nakasaksi na si Nerits Dasalla, 62 anyos, nakita niya na paakyat na ng bakuran ang kawatan, at nagkataon naman na may dumaan na mga kalalakihan nagkahabulan ang mga ito at nabugbog ang suspek ng mga residente na nakahuli sa kanya.
Nae-turn over na sa Police Station 1 ang suspek.