Patong-patong ang kasong kinakaharap ni Wency Greganda,suspek ng pangnanakaw ng gadgets ng ni Rowena Sonega tatlong linggo na ang nakararaan. Nitong araw lamang ng lunes, ika-25 ng Setyembre, 2018, nanloob na naman ang suspek sa Bgy. Bancao Bancao matapos nitong nakawin ang dalawang mamahaling alahas at isang TV.
Sa footage na kuha ng CCTV, kumpirmadong si Greganda ang siyang magnanakaw ng gadgets ni Rowena Sonega tatlong linggo ang nakalipas kung kaya ay tinungo ito ng anti-crime task force upang imbestigahan.
“Nakita namin ‘yung tattoo sa balikat niya nung nakunan sa CCTV. So, nagduda na kami na ito rin ‘yung nahuli nakaraan kaya dinala namin sa PS1 para I-turn over,” saad ni Richard Ligad ng City Anti-Crime Task Force.
Ayon kay Ligad ay pinuntahan nila sa Old Market, Bgy. San Jose ang napagbentahan ng suspek ng mga ninakaw nitong alahas at TV at kumuha ng pahayag ng napagbentahan nito. Ayon sa napagbentahan ng alahas ay naawa na lamag di umano ito sa suspek. Inalok di umano sila ng suspek ng TV at alahas, kung saan sinabi ng suspek na ang alahas ay pag mamay-ari ng kanilang tiyahin at lingid sa kanilang kaalaman ng mga alahas at TV ay nakaw pala. Samantalang, may isa ring babae ang nagsumbong sa otoridad na di umano’y pinagnakawan rin siya ni Wency sa kanilang tindahan ngunit mariin itong itinanggi ng suspek.
Inamin ng suspek na siya ay magnanakaw ngunit idiniin na bintang lamang ang mga paratang sa kanya dahil kung nakakuha nga siya ng malaking halaga sa bag na pinagnakawan niya sa isang tindahan ay di na ito magnanakaw ng bag at TV.