Law enforcement unit, paiigtingin ang seguridad sa nalalapit na BSKE

Nagsagawa ng Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) Coordinating Conference ngayong araw, Oktubre 20, ang ilang opisyales mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa darating na Oktubre 31.
Pinangunahan naman ito ni Atty. Percival C. Mendoza, Provincial Election Supervisor, kasama ang ilang opisyales mula sa PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard.
Ang nasabing conference na ginanap sa Palawan Provincial Police Office sa Barangay Tiniguiban ay naglalayong paigtingin ang seguridad at nagpapakita ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya na magmamasid at magbabantay sa darating eleksyon.
Exit mobile version