Local transmission, naitala sa 5 barangay sa lungsod ng Puerto Princesa

Aerial view of Puerto Princesa from Google map surrounded with covid virus/ File Photo

Patuloy ang isinasagawang contact tracing ng Puerto Princesa Incident Management Team (IMT) sa mga nakasalamuha ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19. Ayon kay Dr Dean Palanca, City IMT Commander, walang tigil ang kanilang tanggapan sa paghahanap sa mga posibleng nahawaan ng nasabing virus mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Puerto Princesa.

“Actually, hindi po matatapos ang ating contact tracing hangga’t merong mga nagpo-positibo sa ating mga local [o] itong mga bagong local transmission kaya yung ating IMT na nagsimula pa last week pa ng Biyernes po, February 5 pa yun ay dire-diretso po yung trabaho nila. Umaga, tanghali, hapon gabi [sila nagtatrabaho at] may time minsan hanggang madaling araw…”

Base sa inilabas na Executive Order No. 07 s. 2021, ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa 5 barangay kabilang na dito ang Barangay San Jose na kung saan naitala ang unang pasyente. Paglilinaw ng IMT, malabo na ang unang pasyente ang pinagmulan ng nasabing virus.

“WHEREAS, the residences of the twenty-one (21) active and confirmed COVID-19 positive cases are located in five (5) different barangays, namely: Barangay San Jose, Barangay St. Monica, Barangay San Pedro, Barangay Milagrosa and Mandaragat…”

“WHEREAS, local transmission of COVID-19 in the City has not yet been contained. Procedures for contact-tracing, detection and isolation have since been intensified and are ongoing, but there is yet no clear pattern of trajectory to identify areas where the next critical clustering and spread of COVID-19 cases will likely be spotted…”

Dagdag din ni Dr Palanca, kabilang din sa mga nagpositibo ang mga kawani ng gobyerno na kasalukuyang naka-home quarantine.

“Hindi lang tatlo, apat o limang barangay, nasa iba’t ibang lugar ang meron tayong naging positive na local cases na pinagmulan sa case po ng Barangay San Jose. At, actually, ang iba po diyan is City government [employees] na mismo ng Puerto Princesa at ngayon ay mga naka-home quarantine po sila.”

Pakiusap nito na makipag-ugnayan ang mga mamamayang nakasalamuha ng mga nagpositibo upang hindi makahawa pa ng iba pang tao at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Dire-diretso po yan [pagsasagawa ng contact tracing] hanggat mayroon tayong mga bagong local case. Kailangan [ay] hanapin na naman po yan kung sino yung kanilang mga direct contact at kailangang i-isolate [kaya’t] kung ikaw ay second generation na close contact ikaw dapat ay mapagsabihan na mag-strict home quarantine muna. Wag muna papasok sa kanilang mga opisina.”

Exit mobile version