Mag-asawang negosyante hinoldup sa Barangay San Jose, mahigit isang milyon natangay

Photo by Jane Juahali/Palawan Daily News

Mahigit isang milyon piso ang natangay sa mag-asawang negosyante matapos na maholdap sa bahagi ng Barangay San Jose pasado alas nuebe ng gabi ng Marso 12.

Ayon kay Neneth Sagupan, 24-anyos, negosyante, galing siya kasama ang kanyang dalawang anak at asawa sakay ng freezer van sa baywalk upang mamasyal, at pag uwi nila sa kanilang tindahan sakto na pagbaba niya sa sasakyan ay mayroon kumalabit sa kanya sabay tutok ng baril at nag declara ng hold-up.

“Binigay ko na lang po ma’am kasi tinutukan nako ng baril at natakot na yung dalawa kong anak pero nagsisigaw ako. Nasa limang daang libong peso na cash po, at kasama sa bag ko ang bank Cards, IDs at cellphone po na may gcash mahigit isang milyon po lahat yon,” Saad ni Sagupan.

Sa salaysay naman ng kanyang asawa na si Mark Anthony Caadan, 41-anyos, nagsisigaw na ang kanyang asawa nang maholdap ito.

“Nakita ko yong isang lalaki tumakbo hinabol ko narinig ko asawa ko na nagsisigaw parin bumalik ako at nakita ko yong isang lalaki sa madilim na bahagi ng freezer van at sinabi sa akin na ‘wagkang lalapit may baril ako barilin kita’ sabi ng lalaki, kaya umiwas ako at sinabi ko sa asawa ko na tumakbo kana sa loob, at sumigaw na ako sa mga tao ko sa pamangkin na ‘Alex lumabas ka may holdaper’ ginawa ko nakita ko na nakaready na ‘yung pang get away ng mga lalaki tumakbo nako at dumampot ng bato, batuhin ko sana pero biglang nagpaputok ng baril yong isang lalaki,” Salaysay ni Caadan.

Masuwerte naman at hindi tinamaan si Caadan ng siya ay barilin ng lalaki na agad umalis sa lugar. Isa sa suspek ang umano’y nakasuot na jacket kulay red at blue at mayroon pangalan na manager.

Samantala, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Police Station 1, upang sa ikadarakip sa hindi pa tukoy na pagkakakilanlan sa dalawang suspek, tinitingnan narin ang lahat ng cctv footage ng mga awtoridad, kasama ng Police Station 1 ang City Anti-Crime Task Force sa pagresponde sa naganap na incidente.

Exit mobile version