Magkapatid naulila ng ina at iniwan ng ama sa ibang tao, sinagip ng CSWD

Nitong Mayo 7, ay nagtungo ang grupo ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Police Station 2 kasama ang isang barangay kagawad sa Sitio San Carlos at Sitio Casicaan sa Barangay Bacungan, kungsod ng Puerto Princesa upang sagipin ang dalawang magkapatid na menor de edad.

Nakatanggap kasi ng report mula sa Barangay Bacungan ang CSWD na mayroon dalawang batang nag eedad na pito at apat na taong gulang ang ulila na sa ina at iniwan naman ng sarili nitong ama sa dalawang magkaibang pamilya na hindi nila kamag-anak at ito ay hindi suportado ng kahit anong legal na dokumento kaugnay ang kustodiya.
Ayon sa ulat ng CSWD, ang batang lalaki na panganay sa magkapatid diumano ay biktima ng child labor at hindi pinag-aral sa eskuwelahan samantala ang batang babae naman na bunso sa magkapatid ay pinag-aral sa isang daycare center.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng CSWD ang dalawang bata, habang nakipag ugnayan na ang CSWD sa MSWDO ng bayan ng Roxas at Rizal, Palawan kung saan kasalukuyang naninirahan ang ama at tiyahin ng mga bata upang humingi ng Parent Capability Assessment Report o PCAR na siyang magiging basehan sa pagtukoy kung sino ang mas may sapat na kakayahan na pangalagaan ang mga bata.
Exit mobile version