Mahigit 15,000 relief goods para sa nasalanta ni Odette, naimapahagi ng opisina ni Cong. Gil Acosta

Clearing operations sa mga kalsada upang maihatid ni Acosta ang mga relief goods sa iba't-ibang barangay sa lungsot at mga bayan sa Norte ng Palawan.

Mahigit 15,000 relief goods o ayuda para sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Odette sa iilang barangay sa Puerto Princesa at mga bayan sa norte ng Palawan ang naipamahagi na ng opisina ni Cong. Atty. Gil Acosta, ayon sa impormasyong ibinahagi nito sa Palawan Daily kahapon, Enero 6.

“Humigit-kumulang 15,000 na relief goods na po ang ating napamigay simuka siyudad ng Puerto Princesa hanggang sa Norte,” ayon sa impormasyon mula sa kanilang opisina.

Nagsimula umano ang pamimigay ng mga nasabing mga relief goods ilang araw matapos maminsala ng naturang bagyo sa probinsiya bago ang kapaskuhan.

“Sunod-sunod na relief goods operations ang isinagawa at isinakatuparan ng ating opisina para sa buong ikatlong distrito ng Palawan simula kasagsagan ng bagyo,” ayon sa press release na binahagi ng kanyang opisina sa publiko.

Nagsmimula ang pamimigay ng opisina ni Acosta sa mga lugar na lubhang napinsala kagaya ng Barangay Maoyon hanggang sa Barangay Langogan.

Ang pamimigay ng mga ito ay naisakatuparan sa tulong na rin ng Palawan Provincial Government kasama na rin ang Palawan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) maging ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kasama ni Acosta sa ginawang clearing operations sa mga kalsada at daanang nasira ni Odette upang maihatid ang mga relief goods para sa mga kababayang lubhang sinalanta.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang relief operations ng grupo ni Acosta upang masigurong ang lahat ng mga naapektuhang kababayan ay kanilang maaabot at matutulongan.

Exit mobile version