Batay sa deklarasyon ni Pangulong Duterte na linisin ang mga lansangan ng mga kalat at harang, nagsagawa ng clearing operation ang mga opisyal ng Brgy. Matahimik sa kahabaan ng Malvar St. mula Baisa bakery hanggang Old Buncag Road.
Sa panayam ng Palawan Daily News sa kanilang kapitan na si Ryan J. Abueme, nakipag-ugnayan ang barangay sa mga maapektuhang negosyante.
Binigyan nila umano ang mga ito ng tatlong linggong grace period para i-clear ang kanilang harapan ng mga harang sa kalye.
Ayon din kay Abueme, naka-15 na silang natiketan mula nang mag-umpisa ang clearing operations.
Dagdag pa niya, may inihahandang espasyo para sa parking ang barangay sa bandang City Fish Port para sa mga motoristang pupunta sa lugar.