Isang makabagong UAV unit ng Intelligence, Surveillance, at Reconnaissance (ISR) ang naidagdag sa kagamitan ng Philippine Navy na tinatawag na Maritime Unmanned Air Reconnaissance Squadron (MUARS) – 71 Flight Alpha na sinubok kaagad ang kakayahan sa kakatapos lang na Joint Task Force Malampaya (JTFM).
Ang nasabing UAV ay nagbigay ng mas mataas na antas ng ISR capability sa JTFM dahil kaya nitong sumuri at magpadala ng eksaktong kaganapan sa operasyon sa mga pasilidad nang ito ay subukan na obserbahan ang MNGPP at iba pang kilos na napapaloob sa 5-NM radius exclusion zone (EZ), kabilang na ang Floating Production, Storage and Offloading (FPSO) vessel “Rubicon Balanghai” na pinapatakbo ng Tamarind Resources sa Galoc Oilfield.
Bukod dito, dahil ang ISR operations ng MUARS-71 Flight Alpha ay eksakto ang binabatong impormasyon, ito ay nagbibigay kakayahang kumilos nang maagap upang maiwasan ang hindi nais na mga sitwasyong pangseguridad sa mga pasilidad ng MNGPP. Ang ISR operations ng flight ay nakakakuha at nagsusubaybay ng mga kahina-hinalang sasakyang pandagat at eroplano mula pa bago ito pumasok sa 5-NM EZ alinsunod sa pangangailangan ng proteksyon.
Sa kabilang dako, ang mga ISR operations na ito ay nagpapakita rin ng suporta sa mga pagsisikap sa seguridad sa karagatan na isinasagawa ng iba pang ahensiyang nagpapatupad ng batas sa mga destinasyon sa isla ng El Nido na malaki ang naitutulong sa umuunlad na ekonomiya ng Munisipalidad.