Mga buhay ilang sakay ng truck, nasabat sa checkpoint

Photo by Sev Borda III

Mga buhay ilang o wildlife animals ang nasabat ng mga otoridad pagkatapos na ma intercept ang truck na dala ang mga ito sa checkpoint ng DENR sa Sta. Lourdes ngayong araw, Hulyo 28.

Kinilala ang suspek na si Joshue Arellano Calinog 36 anyos, negosyante at residente sa bayan ng Roxas Palawan, na sya ring nagmamaneho ng Isuzu elf UV, kulay puti at may plate no. RKT 807.

Nasa 21 na pangolin o balintong at green sea turtle, 15 hawk bill sea turtles ang mga nakuha sa suspek.

Nakuha rin kay Arellano ang isang caliber 38 na baril at 3 live ammunition. Sa panayan ng Palawan Daily News Team kay Arellano napag utusan lamang siya ng isang alias Jorros kapalit ng limang libong peso na ibiyahe sa lungsod ang mga nakumpiska na wildlife o buhay Ilang.

Kasong paglabag ng Wildlife Act 9147 section 27 o (An Act Providing for Conservation and Protection the Wildlife Resources and their Habitats) Violation ng Republic Act 10591.

Samantala, nasa kostudiya na ng Police Station 2 ang suspek habang inihahanda ang kakaharaping kaso nito. Nasa pangangalaga naman ng Palawan Council for Sustainable In Development (PCSD) ang mga buhay ilang.

Exit mobile version