Naka-angkla umano sa Deparment of Education order 31 ang mga pamantayan na ipinatutupad ng Puerto Princesa City Department of Education lalo na sa pagbibigay ng grado ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral.
“Mayroon tayong interim guidelines in line with COVID-19 yung ating DepEd order 31 series of 2020 na kung saan sinasabi doon na ang nakalagay naman kasi doon is learners progress or individual learners progress. So ang nagiging sistema natin ngayon is the teachers will compute the learners performance base doon sa guidelines na binigay… ang basehan doon [ay] sa kanilang performance in the absence of the quarterly examination ay itong written test at saka yung performance test.” Ayon kay Department of Education (DepEd) Curriculum Implementation Division Chief Dr.Cyril Serador.
Kaugnay nito hindi pa aniya pinahihintulutan ang mga guro sa lungsod na magbigay o maglagay ng grade sa mga card ng kanilang mga mag-aaral dahil marami pa umano ang dapat isaalang-alang, subalit bukas naman ang resulta ng assessment ng mga guro sa mga magulang.
“Sa ngayon ay hindi pa po tayo nag-require sa kanila na mamigay ng card kasi po baka mayroon pa po tayong dapat isaalang-alang kung mailagay sa card, lets always remember that a card is a record, is a permanent documents na kung saan ay hindi natin basta-basta ito ilagay dyan kung ano yung resulta ng assesment ng bata na hindi natin na va-validate kasi legal document po yun. Pero if in case the parents are they need to know the progress , the teacher is ready and the teacher has also a reference pagdating sa progress ng bata.”
Inabisugan din ng Curriculum Implementation Division Chief ang mga guro na itala lahat ng mga nakuhang aktibidad ng bata o performance base sa ibinibigay na module at kabilang sa ikonsidera ang panahon ngayon dahil sa pandemya.
“Ang aking advice sa kanila it must be computed and recorded and there must be a class record whether e-class record or done manually at least na compute nila ang performance ng bata and ready for reference on the part of the teacher and of course of the part of the parents who will be looking also for the progress of their learners… para po makuha ang learning progress ng ating mga bata, kasi ang ating self learning module ay hindi po ito basehan dahil ito ay formative assessment po lamang dahil self learning module,”
Samantala base sa schedule ng DepEd, magtatapos ang 2nd quarter sa Pebrero 27, 3rd quarter sa Abril 24 habang 4th quarter ay sa hunyo 11 na sya ring pagtatapos ng School Year 2020-2021.