Mga katutubong apektado ng baha, tinulungan ni Congressman Acosta

Pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta ng baha sa Bgy. Tagabinet, Pinangunahan ni KFC Chairman Atty. Gil A. Acosta Jr

Dahil sa sunod-sunod na pagbuhos ng malalakas na ulan, marami sa mga kapatid nating katutubo sa Barangay Tagabinet ang natigil ang paghahanap-buhay at wala ng makain.

Matatandaang isa ang Palawan sa mga lalawigang apektado ng pananalasa ng hanging habagat sa mga rehiyon na dulot ng ilang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan.

Isa ang Barangay ng Tagabinet sa lungsod ng Puerto Princesa at mga Purok nito ang Nasuduan, Bayataw, Kayasan at Marikawa ang talagang naapektuhan. Mahigit pitong kilometro ang layo ng kanilang sambahayan sa baryo na nilalakbay nila ng mahigit dalawang oras upang makapunta sa pamilihan, upang makabili ng bigas na sasaingin. Ayon pa sa kanila, doble ang layo nito kapag ganitong maulan dahil sa sobrang putik ng daan na mahirap bagtasin.

Paghahanap ng siga at yantok ang kanilang pangunahing hanap-buhay na natitigil kapag tuloy-tuloy ang ulan dahil sa delikadong daan paakyat sa bundok. Kaugnay nito, sa pangunguna ni KFC Chairman Atty. Gil A. Acosta Jr., personal na nagtungo ang Opisina ni Congressman Gil P. Acosta sa Bgy.

Tagabinet upang magpaabot ng tulong at relief goods sa mga Kabarangay nating apektado. Ayon kay Elisio Rodrigo, tribal leader ng Samahan ng mga Tribu sa Kayasan (SaTriKa), lubos ang kanilang pasasalamat sa biyayang natanggap mula sa tanggapan dahill pansamantalang magkakalaman ang kumakalam nilang sikmura.

Ilang araw narin umano silang nagtitiis sa nilagang kamoteng kahoy na pananim nila sa bukid. Nagpapaabot din ng taus-pusong pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa biyayang natanggap ng mga residente na kahit may kalayuan ay hindi alintana upang makatulong sa mga kabarangay.

Exit mobile version