Mga organisasyon sa Lungsod, nakakatanggap ng tulong mula kay City Councilor Awat

Binisita ni Marivic Bero, staff ng tanggapan ni City Councilor Nesario Awat, ang patahian ng organization ng mga kababaihan sa Brgy. Babuyan. Kasama sa larawan ang opisyal ng grupo na si Lolita Olarga.

Iilan sa mga organizations ng Lungsod ng Puerto Princesa ay nakakatanggap ng ayuda sa programang pangkabuhayan ng tanggapan ni City Councilor Nesario G. Awat.

Ito ay ang Binduyan Community Tourism Association (BCTA) na syang nagpapatakbo ng Olangoan falls na kabilang sa community-based sustainable tourism sa Brgy. Binduyan, Brgy. Tagabinet Women’s Association, Friendzter-Brgy. Mandaragat at Lovers Women Association-Brgy. Babuyan na kinabibilangan ng mga kababaihan na nabigyan ng proyektong pangkabuhayan sa pananahi o dressmaking, Samahang mga Kababaihang Katutubo sa Brgy. Marufinas na mayroong pinapatakbong bakery at malaking tindahan, ang ang mga grupo na Wescom Drivers Association Credit Cooperative at Puerto Princesa Tricycle Operators and Drivers Credit Cooperative.

Ayon kay Marivic Bero, executive assistant sa tanggapan ni Konsehal Awat na binigyan ng tulong ang mga grupong ito upang matulungang ma-i-angat ang antas ng kanilang kabuhayan. Kabilang sa mga binibigay ay mga makinang pantahi, mga kagamitan, at iba pa.

Sa katunayan ay magta-tatlong taon nang nagtatahi ang may 20 kababaihan sa Brgy. Babuyan name ngayon ay nagtatahi na ng mga kurtina, bed sheets, bags, sapin sa furnitures, at iba pa.

Ayon kay City Councilor Nesario G. Awat na ang pagtulong sa mga asosasyon ay isa sa mga tinutukan ng kanyang opisina sa pamamagitan ng proyektong pangkabuhayan. Ito ay sinimulan nitong unang termino ng kanyang pag-upo bilang city councilor.

Kabilang sa mga natulungan ay ang grupo ng mga kababaihang katutubo sa Brgy. Marufinas, isa sa mga malalayong barangay ng Lungsod, kung saan ay nagiging sustainable at matagumpay ang kanilang negosyo na bakery at nagbibigay ito sa kanila ng magandang kita.

Dagdag pa ni Awat na ang kanyang tanggapan ay tumutulong din para sa pagpa-rehistro ng mga organizations para ito ay magkaroon ng legal identity.

Si Henry Villamor, isa sa mga kasapi ng Puerto Princesa City Tricycle Operators and Drivers Credit Cooperative (PPCTODCC) na malaking tulong ang tanggapan ni City Councilor Awat sa asosasyon ng mga tricycle operators, mga maliliit na mamamayan, at lalo na sa pagbuo ng kanilang kooperatiba ng mga tricycle operators.

“Sa sarili niyang (ni City Councilor Awat) pagsisikap lumago ang mga Kooperatiba at people’s organization sa lungsod, sa kasalukuyan ang kanyang tanggapan ay mayroong ipinapatupad na proyektong pangkabuhayan at ang kooperatiba namin ay isa sa mga benipesyaryo ng proyektong pangkabuhayan ni Konsehal Awat,” sabi ni Villamor.

Exit mobile version