Aminado ang Palawan Police Provincial Office na kulang ang kanilang hanay para magbantay sa parating na plebisito. Kaya humingi na umano sila ng tulong sa iba pang mga security forces ng pamahalaan para tulungan sila lalo na sa araw ng pagboto sa Marso 13.
“That’s the plan. And the security forces have agreed to join together, work together as one by complementing Palawan PPO with its limited human resources. Kaya may makikita kayong mga Army, mga Navy sa mga polling centers, mga municipal canvassing stations”
“We already crafted yung security plan for the plebiscite. And the security plan covers the activities of the different security forces such as the PNP, the Armed Forces, the Philippine Coast Guard, and other law enforcement agencies within the Palawan Province.” Pahayag ni Police Colonel Frederick Obar.
Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel June R. Rhian, Tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office, dahil sa kasalukuyang pandemya ay dumami ang presintong pagdadausan ng plebisito. Kaya’t kinailangan nilang magdagdag ng magbibigay seguridad sa mga ito at doblehin umano ang mga personnel sa bawat poll center.
Dagdag pa ni PLTCOL Rian, kahit kaunti ang bilang ng kanilang hanay, sapat naman aniya ang 900 nilang tauhan sa pagbabantay ng mga mamamayan sa 23 munisipyo na kanilang nasasakupan.
“Actually sa ngayon ang personnel ng Province of Palawan na mayroon po tayo na mahigit 900, sapat naman po yan para po sa maximum 21 to 24 municipalities,”
“Base po (Republic Act) 6975 na batas ay kailangan magkaroon po na 1 policeman to 500 na population o residence. Kung ‘di po ako nagkakamali 1 is to 1,000 plus yan pero ganun pa man kahit kulang ang ating kapulisan ay ginagawa pa rin nila ang makakaya at the same time meron po tayo kahit yung personnel ng municipal police station ay medyo kulang meron po tayo naka-augment from mobile force.”